Pebrero 3-6:
Unang araw sa linggo ito ay nagkaroon kami ng "Parade of Characters". Dito ay pinakilala namin ang mga tauhan sa Noli Me Tangere sa pamamagitan ng paggaya sa kanilang mga kasuotan. Sinabi rin namin ang mga sikat na linya na binitawan ng mga karakter sa nobela at papel na kanilang ginampanan dito. Natuwa naman ang aming guro sa aming naging produkto. Lalo na sa mga kamag-aral kong binigay lahat ng kanilang makakaya at isinabuhay ang pang-gagaya. Natapos ang aming unang produkto nang Matagumpay! :)
Pagkatapos nito ay ipinagpatuloy namin ang aming talakayan sa mga tauhan sa nasabing nobela, partikular na kay Crisostomo Ibarra. Inisa-isa namin ang mabubuti at masasamang ugali ni Ibarra. At kaugnay din ng pagtalakay sa mga tauhan ay nagkaroon muli kami ng produkto. Ito ay ang paggawa ng isang liham para sa isang kaibigan. Babatiin at pupurihin mo ang iyong kaibigan sa liham, dahil sya ay bibigyang parangal ng isang istasyon sa telebisyon. Ang mapupuntahan ng liham ay ang istasyong magbibigay parangal sa kanya. Marami ang nagkamali sa nasabing liham dahil kaibigan ang kanilang sinulatan. Dahil dito ay pinaulit ng aming guro ang produktong ito sa mga nagkamali at pinapasa sa mismong araw ding iyo.
Kaugnay pa rin ng pagtalakay namin sa Noli Me Tangere ay ang pagkakaroon ng pangkatang pag-uulat. Bawat grupo ay inaasahang iuulat ang 7 kabanatang naatas sa kanila. Ang mga kabanatang ito ay hahatiin sa mga myembro ng bawat pangkat. Natapos nang mag-ulat ang unang pagkat, ang ikalawang pangkat na ang mag-uulat sa Martes.
Yan ang mga bagay na aming ginawa sa linggong ito. Maraming Salamat! :')
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento