Enero 20-23:
Sa linggong ito ay tinalakay namin ang
Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere. Dito ay nalaman namin ang mga
bagay na nagtulak kay Rizal nang pagsulat nya ng nasabing nobela. At ito ay ang “Pagkalugi
ng Galleon Trade”, “Pagkakaroon ng di matatag na pamahalaan” at ang “Paglaya ng
iba pang kolonya ng Espanya”. Kaugnay ng
araling ito ay nagkaroon kami ng Pangkatang Gawain. Ang bawat pangkat ay inaasahang ipaliwanag ang
kaugnayan ng mga nasabing kaganapan sa pagsusulat ni Rizal ng Noli. Binigyan
kami ng aming guro ng isang babasahin na makakatulong sa amin sa pagsagot ng aming
Gawain.
Pinag-aralan
din namin ang tungkol sa Liberalismo (Kalayaan), Equalidad (Pagkapantay-pantay)
at Praternidad (Kapatiran). Dito ko natutunan na ang mga ito ay nakatulong at naging
daan din sa pagkakalimbag ng Noli at pagkamit natin ng ating kalayaan.
Wala kami nina
Jennica, James at Ate Camille noong ika -22 hanggang 23 ng Enero dahil sa “Division
Cliniquing” para sa darating na “RSPC 2015” sa Lipa. Kaya’t hindi namin alam ang
mga nangyari sa loob ng mga araw na ito. Pero, nabasa ko sa blog ng aking
kamag-aral na si Ronaline (http://ronalineoliveros.blogspot.com/2015/01/ikalawang-linggo.html#comment-form)
na sila ay nagkaroon ng Pangkatang Gawain na may kaugnayan sa mga akda ni
Rizal, partikular na sa “Sa aking mga
Kababata” ,“Ang Tsinelas” at “Ang
Gamu-Gamo at si Jose Rizal”. Sila rin
daw ay nagkaroon ng isang debate patungkol sa tanong na: Dapat ba o di-dapat
ginamit ni Rizal ang kanyang panulat sa kapakanan ng Bayan. At lahat daw
di-umano ay nahirapan sa pagsagot ng katanugang ito.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento