Linggo, Enero 18, 2015

Unang Linggo ng Ikaapat na Markahan! :)


    Enero 14-16, 2015:

           Ngayong Linggo ay ang unang linggo ng Ikaapat na Markahan. Dahil sa katatapos lang ng aming Ikatlong Markahang Pagsusulit ay nag-check at "correct response" lang kami aa unang araw. Matapos malaman ang aming iskor at kung pasado ba kami o hindi ay binigay na ni Gng. Mixto ang pasilip sa Noli Me Tangere na aming tatalakayin sa markahang ito. Binigay nya na rin sa amin ang aming magiging produkto. Ito ay ang Trailer at Short Film na tungkol sa ilang kabanata ng nasabing nobela o sa ilang taong nagbigay buhay dito. Ngunit, sa sumunod na araw ay wala si Gng. Mixto dahil sa ilang importanteng bagay na dpat asikasuhin. Dahil dito, si G. Mixto ang kanyang naging katuwang. Kami ay nagkaroon lamang ng Pantayang Pagsusulit para sa Markahang ito upang malaman kung gaano ba namin kaalam ang Noli Me Tangere. Matapos ang Pantayang Pagsusulit ay binigyan kami Ni G. Mixto ng isang takdang aralin. Ito ay ang pagkakaroon ng kopya ng Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere at ang buod nito.
   Ito ang mga bagay na aming ginawa sa unang linggo ng ikaapat na markahan. :D

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento