Disyembre 16-17:
Ngayong Linggo ay wala si Gng. Mixto kaya't si Bb. Basbas ang humalili sa kanya. At dahil nga dito, kami ay nag-aral lang ng isang aralin at nagbalik aral sa mga nakaraang pag-aaral.
Binasang muli namin ang akdang "Kung tuyo na ang luha mo aking bayan" ni Amado V. Hernandez, at dito ay nalaman naming mali ang aming kopya. Binasa ni Bb. Basbas ang tamang kopya at nakinig na lamang kami. Pagkatapos magbasa ay inintindi namin ito at sinagot ang mga katanungan ukol dito. Binalikan din namin ang aralin tungkol sa Elehiya, Dalit at Oda/Himno.
Sa sumunod na araw ay pinag-aralan namin ang Pagpapasidhi ng Damdamin. Sya rin ay nagbigay ng mga pagsasanay na may kinalaman dito. Kami ay pinagawa rin nya ng isang Elehiya tungkol sa pagkamatay kunwari ng aming kaibigang sundalo. Ito ay aming isinulat sa makulay na papel at binubuo ng tatlong saknong na may apat na taludtod at malaya.
Ang mga ito ay ang mga bagay na aming ginawa ilang araw bago ang ilang linggong bakasyon.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento