Enero 6-9, 2015
Sa unang araw ng linggong ito ay
pinag-aralan naming ang “Sanaysay”. Ito ay isang
uri ng panitikan na naglalaman ng opinyon at kuro-kuro ng may-akda. Katulad ito
ng “Editoryal o Pangulong Tudling” ng isang
pahayagan. Ito ay may tatlong elemento: Paksa, Tono at Kaisipan. Ang paksa ay
ang binibigyang opinyon ng manunulat. Ang tono naman ay ang nararamdaman ng may
akda habang sinusulat ang salaysay. Habang ang kaisipan ay ang mensaheng gustong
iparating ng manunulat sa pagsulat nya ng salaysay o sanaysay.
Sa kalagitnaan naman ng linggong ito
ay tinalakay namin ang “Pamaksang Pangungusap”. Ito
ay ang pangunahing ideya o pinapaksa sa isang talata. At sa tulong ng “Pantulong na Pangungusap” ay nabibigyang suporta nya
ang pantulong na pangungusap. Ito ang nagpapaliwanag ng lahat ng mga bagay at
ideyang nakapaloob sa Pamaksang Pangungusap.
At sa huling bahagi naman ng aming unang
lingo para sa taong 2015, ay nagkaroon kami ng konting pasilip tungkol sa “Synopsis” at “Pangangatwiran”.
Kami rin ay nagkaroon ng “Summative Test” para sa markahang ito.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento