Sabado, Nobyembre 29, 2014

Ikaapat na Linggo: Parabula at Talinhaga

Nobyembre 25-28:


~ Ngayong Linggo ay nagpunta kami sa aming panibagong aralin: Parabula at Talinhaga. Bilang introduksyon nito ay nagbigay si Gng. Mixto ng kasunduan. Ito ay ang paghahanap at pagbabasa ng “Talinhaga ng mga Manggagawa ng Ubasan”, na makikita sa Bibliya, Mateo 20: 1-13. Dito ay sinasabi na ang TALINHAGA ay ang pangungusap, parirala, o isang salaysay na may malalalim na kahulugan at iba sa literal nitong ibig-sabihin. At dito na pumapasok ang kahulugang literal, simbolo, at espiritwal.  Ang kahulugang LITERAL ay ang kahulugang makikita sa diksyunaryo at iba pang materyal, samantalang ang SIMBOLO ay ang salitang sumisimbolo sa isang bagay, pangyayari o tao, habang ang kahulugang ESPIRITWAL ay ang kahulugan ng isang salita sa usapin ng relihiyon. Ang PARABULA naman ay mga kwentong makatotohanan na nangyari noong panahon ni Kristo. Ito ay nagbibigay ng moral na leksyon na ating magagamit sa ating araw-araw na pamumuhay. At ito nga po ang aming ginawa   sa loob ng linggong ito. J

Linggo, Nobyembre 23, 2014

Ikatlong Linggo: Pagbabalik aral

   Nobyembre  18-21


   Ngayong Linggo ay nagbalik si Gng. Mixto sa aming klase. Ngayon ay nagbalik-aral lang kami sa mga araling aming tinalakay noong nakaraang lingo, partikular na ang paghahambing.  Sya ay nagbigay sa amin ng mga pagsasanay at takdang aralin na may kinalaman dito. Binalikan din naming ang epikong Rama at Sita. Nagtanong siyang muli kung ano ang nangyari sa kwentong ito bilang patunay na may natutunan kami. Ngayong lingo rin binigay niya sa amin ang aming produkto, ang “Cosplay” o paggaya sa mga karakter sa isang epiko ng kahit anong bansa sa Asya. Ito ay ipapasa o ipapakita naming sa kanya sa katapusan ng buwan. Yan lang ang ginawa namin sa lingo ito, Maraming Salamat! J

Biyernes, Nobyembre 14, 2014

Ikalawang Linggo: Paghahambing

  Nobyembre 11-12:

   Ngayong Linggo ay wala si Gng. Mixto dahil mayroon siyang dapat asikasuhin, kaya't si Bb. Basbas ang inaasahang magturo sa amin, ngunit sumakit ang kanyang lalamunan kaya't humingi siya ng tulong kay Trixie upang kanyang maging halili.
Ngayong Linggo ay tinalakay namin ang paghahambing.
 
    Ang paghahambing ay natural na sa atin. Ito ay ginagamit natin upang malaman ang pagkakaiba at pagkakatulad ng isang tao,bagay,hayop atbp. Kaya't may mga nararapat tayong  salitang dapat gamitin. Naiiba ang mga salitang ito depende sa kung ano ang ating ihahambing: Magkatulad at Di-Magkatulad. Maiiba rin ito kung maganda o positibo  ang sasabihin mo tungkol sa isang bagay o kung negatibo ito.
   Upang makasigurado naman si Bb. Basbas na may natutunan kami sa dalawang araw na pagtalakay ni Trixie ay nagbigay sya ng pagsasanay at pangkatang gawain. Sa pagsasanay ay kinakailangang gumawa kami ng 10 pangungusap na naghahambing kay Corazon Aquino at Gloria Arroyo. Samantalang sa pangkatang gawain naman ay ang paghahambing sa dalawang bansa sa Timog-Kanlurang Asya.
   Sa konting panahon ng aming pagtalakay dito ay marami akong natutunan. Kaya't sana ay maging maingat tayo sa mga salitang ating gagamitin sa paghahambing pangkat ang bawat salitang ito ay may ibig-sabihin. :)


Linggo, Nobyembre 9, 2014

Unang Linggo: Epiko (Rama at Sita)

       Tulang pasalaysay na tumutukoy sa isang bayani at ang kanyang pakikipag-sapalaran.

  Halimbawa:


Ø  Dito ipinapakita ang totoo at tunay na pagmamahalan nina Rama at Sita. Kahita anong pagsubok pa ang dumating, haharapin nila ito ng magkasama at kahit sino pa ang humadlang sa kanilang dalawa, lalabanan nila ito ng taas noon. Sumasalamin din ito sa pilosopiya ng India na “Katotohanan ang laging nagtatagumpay”.
 
   Rama at Sita: Unang Bahagi (Sadyang Pinagtagpo)
        
    -  Ito ay tungkol sa dalawang taong sadyang pinagtagpo ng tadhana. Sinasabi ditong masaya sila kapag sila'y magkasama at ang araw nila'y hindi kumpleto kung hindi nagkikita.

   Rama at Sita: Ikalawang Bahagi (Huwag Takasan)


    - Lahat tayo ay may tungkulin sa buhay, at hindi natin ito dapat takasan. Sundin lang ito ng bukal sa puso, dahil sa huli, maganda rin ang kalalabasan nito. 


  Rama at Sita: Ikatlong Bahagi (Kaya Ko)


  - Tungkol sa isang taong hindi nabibigyan ng pagkakataon na patunayan ang  sarili at ipamalas ang  tunay na galing at kakayahan. At ang masaklap, isang batang paslit parin ang tingin sa kanya at hindi ganap na binata.  

  Rama at Sita: Ikaapat na Bahagi (Halina sa Mithila)

   
  - Sa pagpunta ng magkapatid na Lakshamanan at Rama sa Mithila, nakilala nila si Haring Zanaja na hri  
ng lugar. Dito rin nila nalaman na mayroon palang mangyayaring paligsahan sa lugar. Kung sino man ang makakapagbantig sa busog na minana pa ng kanilang lahi kay Shiva, ay siyang mapapangasawa ni Sita, ang prinsesa ng Mithila.

  Rama at Sita: Ikalimang Bahagi (Kay dami ng Babae)

  - Marami ang babae at may iba't iba silang katangian, hindi tuloy alam ni Lackshamanan kung sino ang popormahan. Kaya't humigi sya ng tawad sa iba pang babae kung hindi lang isa ang kanyang iibigin pagkat ayaw nyang may masaktan.

  Rama at Sita: Ikaanim na Bahagi (Sana'y siya na Nga)

  - Nagdadasal si Sita upang humingi ng tulong sa Panginoon  para manalo ang pinakamahusay sa  pagbanting at ito ang kanyang mapangasawa. Nais nya maging karapat-dapat ang taong ito sa puso nya.Ngunit habang nagdadasal ay nakilala nya sina Lackshamanan at Rama. Ang mga binata naman ay agad na nahumaling sa gandang taglay ng dalaga.