Nobyembre 25-28:
~
Ngayong Linggo ay nagpunta kami sa aming panibagong aralin: Parabula at Talinhaga. Bilang introduksyon nito ay
nagbigay si Gng. Mixto ng kasunduan. Ito ay ang paghahanap at pagbabasa ng “Talinhaga
ng mga Manggagawa ng Ubasan”, na makikita sa Bibliya, Mateo 20: 1-13. Dito ay
sinasabi na ang TALINHAGA ay ang pangungusap,
parirala, o isang salaysay na may malalalim na kahulugan at iba sa literal nitong
ibig-sabihin. At dito na pumapasok ang kahulugang literal, simbolo, at espiritwal.
Ang kahulugang
LITERAL ay ang kahulugang makikita sa diksyunaryo at iba pang materyal,
samantalang ang SIMBOLO ay ang salitang
sumisimbolo sa isang bagay, pangyayari o tao, habang ang kahulugang ESPIRITWAL ay ang kahulugan ng isang salita sa usapin
ng relihiyon. Ang PARABULA naman ay mga kwentong
makatotohanan na nangyari noong panahon ni Kristo. Ito ay nagbibigay ng moral
na leksyon na ating magagamit sa ating araw-araw na pamumuhay. At ito nga po ang
aming ginawa sa loob ng linggong ito. J
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento