Nobyembre 11-12:
Ngayong Linggo ay wala si Gng. Mixto dahil mayroon siyang dapat asikasuhin, kaya't si Bb. Basbas ang inaasahang magturo sa amin, ngunit sumakit ang kanyang lalamunan kaya't humingi siya ng tulong kay Trixie upang kanyang maging halili.
Ngayong Linggo ay tinalakay namin ang paghahambing.
Ang paghahambing ay natural na sa atin. Ito ay ginagamit natin upang malaman ang pagkakaiba at pagkakatulad ng isang tao,bagay,hayop atbp. Kaya't may mga nararapat tayong salitang dapat gamitin. Naiiba ang mga salitang ito depende sa kung ano ang ating ihahambing: Magkatulad at Di-Magkatulad. Maiiba rin ito kung maganda o positibo ang sasabihin mo tungkol sa isang bagay o kung negatibo ito.
Upang makasigurado naman si Bb. Basbas na may natutunan kami sa dalawang araw na pagtalakay ni Trixie ay nagbigay sya ng pagsasanay at pangkatang gawain. Sa pagsasanay ay kinakailangang gumawa kami ng 10 pangungusap na naghahambing kay Corazon Aquino at Gloria Arroyo. Samantalang sa pangkatang gawain naman ay ang paghahambing sa dalawang bansa sa Timog-Kanlurang Asya.
Sa konting panahon ng aming pagtalakay dito ay marami akong natutunan. Kaya't sana ay maging maingat tayo sa mga salitang ating gagamitin sa paghahambing pangkat ang bawat salitang ito ay may ibig-sabihin. :)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento