Ø Dito ipinapakita ang totoo at tunay na
pagmamahalan nina Rama at Sita. Kahita anong pagsubok pa ang dumating,
haharapin nila ito ng magkasama at kahit sino pa ang humadlang sa kanilang
dalawa, lalabanan nila ito ng taas noon. Sumasalamin din ito sa pilosopiya ng
India na “Katotohanan ang laging nagtatagumpay”.
Rama at Sita: Unang Bahagi (Sadyang Pinagtagpo)
- Ito ay tungkol sa dalawang taong sadyang pinagtagpo ng tadhana. Sinasabi ditong masaya sila kapag sila'y magkasama at ang araw nila'y hindi kumpleto kung hindi nagkikita.
Rama at Sita: Ikalawang Bahagi (Huwag Takasan)
- Lahat tayo ay may tungkulin sa buhay, at hindi natin ito dapat takasan. Sundin lang ito ng bukal sa puso, dahil sa huli, maganda rin ang kalalabasan nito.
Rama at Sita: Ikatlong Bahagi (Kaya Ko)
- Tungkol sa isang taong hindi nabibigyan ng pagkakataon na patunayan ang sarili at ipamalas ang tunay na galing at kakayahan. At ang masaklap, isang batang paslit parin ang tingin sa kanya at hindi ganap na binata.
Rama at Sita: Ikaapat na Bahagi (Halina sa Mithila)
- Sa pagpunta ng magkapatid na Lakshamanan at Rama sa Mithila, nakilala nila si Haring Zanaja na hri
ng lugar. Dito rin nila nalaman na mayroon palang mangyayaring paligsahan sa lugar. Kung sino man ang makakapagbantig sa busog na minana pa ng kanilang lahi kay Shiva, ay siyang mapapangasawa ni Sita, ang prinsesa ng Mithila.
Rama at Sita: Ikalimang Bahagi (Kay dami ng Babae)
- Marami ang babae at may iba't iba silang katangian, hindi tuloy alam ni Lackshamanan kung sino ang popormahan. Kaya't humigi sya ng tawad sa iba pang babae kung hindi lang isa ang kanyang iibigin pagkat ayaw nyang may masaktan.
Rama at Sita: Ikaanim na Bahagi (Sana'y siya na Nga)
- Nagdadasal si Sita upang humingi ng tulong sa Panginoon para manalo ang pinakamahusay sa pagbanting at ito ang kanyang mapangasawa. Nais nya maging karapat-dapat ang taong ito sa puso nya.Ngunit habang nagdadasal ay nakilala nya sina Lackshamanan at Rama. Ang mga binata naman ay agad na nahumaling sa gandang taglay ng dalaga.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento