Disyembre 2-5 :
Ang unang bagay na ginawa namin ngayong linggo
ay ang pagbabalik aral sa aming huling aralin na Parabula at Talinghaga. Kami
ay nagkaroon ng Pangkatang Gawain kung saan ay kinakailangang ikumpara namin ang
Parabula sa isa pang uri ng panitikan na naatas sa amin: Pabula, Maikling
Kwento, Alamat, o Epiko. Dito ay kailangang aming maibigay ang kanilang
pagkakaiba at pagkakatulad. Bilang bahagi rin ng aming pagbabalik aral ay
kinakailangang gumawa kami ng aming sariling Talinhaga na mapupulutan ng aral
at ang dapat lang na gamit naming bagay
ay ang mga bagay na makikita sa 4-na-sulok ng aming silid-aralan at ang mga
gamit pang-eskwela.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento