Disyembre 19, 2014 - Enero 4, 2015:
Dahil malapit na ang Pasko at Bagong Taon, kami ay nagkaroon ng bakasyon upang makapagpahinga at makasama na rin ang aming pamilya.
Sa aming dalawang linggong bakasyon, ito ang mga bagay na aking ginawa at mga lugar na napuntahan.
Ika-20 ng Disyembre, pumunta kami sa Cubao dahil sa "Christmas Party" ng aking Papa. Dito ay nagkaroon kami ng kaunting salu-salo at nagsaya kasama ang pamilya ng iba pang ka-trabaho niya.
Ika-16 hanggang 24 ng Disyembre, ito ay ang siyam na araw ng Simbang Gabi, kaya't kami ay nagsimba kasama ang aking pamilya at kung minsan ay ang aking mga kaibigan o kaklase. Hindi man namin nakumpleto ang 9 na madaling araw na iyon, kami naman ay naging masaya sa ilang araw na magkakasama at sa tuwang makita ang bawat isa kahit bakasyon pa.
Ika-24 ng Disyembre, Noche Buena na mamaya pero, wala pa rin kaming ihahanda kaya't namalengke muna kami ni Mama. Umuulan ng araw na iyon kaya't nakakainit ng ulo sabayan pa ng napakaraming tao. Binilisan na lang namin ang pamamalengke at natapos rin. Hapon na ng magsimula kaming magluto at naghanda na rin para sa "Christmas Party" sa aming lugar. Pagkatapos ng party ay umuwi na rin kami at dito ay sabay- sabay kaming kumain at nagsalu-salo sa aming munting handa.Pero ang sayang dulot ng sama sama naming pagkain ay umaapaw at sobra-sobra.
Ika-25 ng Disyembre, Pasko na! Bilang selebrasyon, ako ay nanood ng sine kasama ang aking mga kaibigan. Feng Shui ang aming pinanood. Tuwa at takot ang dulot sa amin ng pelikulang iyon. Naglibot din kami sa Sta. Lucia at gabi na umuwi nang sobrang saya.
Ika-27 ng Disyembre, pumunta kami ng Bulacan para sa "Babang Luksa" ng aking lolo. Nagsimba kami sa Simbahan ng Barasoain at dumiretso sa sementeryo. Pagkatapos ay nagkaroon kami ng "bonding" magpipinsan at namangka pa.
Ika-31 ng Disyembre, Mega Noche na mamaya kaya't abala kaming lahat sa pagluluto. Gabi na nga ng matapos kami sa paghahanda. Pagsapit ng 12:00 ng madaling araw ay nagpaingay na kami ng torotot. Kumain kami ng Mega Noche ng kumpleto at sobrang saya. Natulog kami ng 2:00 ng madaling araw ng may mga ngiti sa labi.
Kulang pa kung tutuusin ang dalawang linggong bakasyon. Kulang pa ang panahong ito upang makasama ang aming pamilya at magkaroon ng oras para sa kanila. Pero, ang dalawang linggong ito ay nagdulot ng sobrang kasiyahan sa akin at sa mga taong aking nakasama sa maikling panahon na ito. :)