Martes, Oktubre 21, 2014

Paksa: Cohesive Device (Reference o Kohesiyong Gramatikal)



Sa mga akda, kung ating mapapansin, laging nauulit ang pangalan ng bida. At upang maiwasa nga ito, gumagamit tayo ng Kohesiyong gramatikal na nagsisilbing pananda. Isa na sa mga halimbawa nito ay ang, ITO, DITO, DOON, IYON (para sa bagay, hayop o lugar) SILA, SIYA, TAYO, KANILA, KANIYA naman para sa tao. Ito ay nahahati sa sa dalawa: Anapora at Katapora.
1.       Anapora-  karaniwang makikita sa hulihan ng isang teksto o pahayag na nagsisilbing pananda sa pangalan na nasa unahan ng teksto.
Halimbawa:
a.    Kapag nakita ko si Daniel Padilla ng personal, magpapakuha ako ng litrato kasama SIYA.
2.     Katapora- karaniwang makikita sa unahan ng teksto o pahayag na nagsisilbing pananda sa pangalan na nasa hulihan ng teksto.
Halimbawa:
b.    SIYA ay napakagaling na mang-aawit, si Darren Espanto na sobrang nagpahangang sa maga Pilipino.

-        Ang “Cohesive Devices” ay nakatutulong sa atin upang maging mas magandang pakinggan ang isang akda o babasahin. Ito rin ay nakatutulong sa mambabasa na mas lalong maintindihan ang akdang binabasa. Kahit ito ay apat o anim na salita lamang, ito pa rin ay nakatutulong sa atin at sa Panitikang Pilipino.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento