Martes, Oktubre 21, 2014

Paksa: Elemento ng Dula



Dula- ito ay isa sa uri ng Panitikan. Nahahati ito sa mga tagpo at karaniwang itinatanghal sa isang teatro. Ito ay may 5 elemento:
1.       Iskrip-  ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa isang dula.
-         Lahat ng mga nangyayari sa isang dula ay naaayon sa iskrip.
2.     Gumaganap o Aktor- nagbibigay buhay sa dula at nagbibigay damdamin dito
3.     Tanghalan- Ito ay ang lugar kung saan nangyayari ang isang Dula.
4.    Direktor- ito ay ang taong namamahal sa isang dula at ang lider ng mga aktor.
5.     Manonood- Sila ang mga taong nanonood ng dula at sa kanila ito nakalaan.
-         Ang Dula ay isa rin sa  Panitikang Pilipino.  Ito ay karaniwang nagtatanghal ng mga totoong pangyayari sa buhay ng tao. Ito rin ay nagbibigay aral at aliw sa mga tao o manonood na nakakasaksi dito.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento