Sabado, Oktubre 4, 2014

Paksa: Pangatnig



-      -         Ang PANGATNIG ay ang mga kataga o lipon ng mga  salitang nag-uugnay sa dalawang salita, parirala sa kapwa parirala at sugnay sa kapwa sugnay upang maipakita ang dalawa o higit pang kaisipan sa loob ng pangungusap. Ang pangatnig ay ginagamit din sa mga pangungusap na tambalan, hugnayan at langkapan.

Ito ay nahahati sa dalawang pangkat :

1. Pangatnig na nag-uugnay sa magkatimbang na yunit.
(o, ni, maging, at, ‘t, ngunit, kundi) - pinagbubuklod ang kaisipang pinag-uugnay

Halimbawa:
Nakakuha ako ng tubig at tinapay.
Nakatulog ako’t nakapahinga.
Mangongopya ka ba o makikipagkwentuhan ka na lamang?

(ngunit, subalit, datapwat, bagamat, pero) - pangatnig na panalungat; sinasalungat ng ikalawang kaisipan ang ipinahahayag ng nauuna.

Halimbawa:
Matalino si Villar subalit maraming isyung naglalabasan kaugnay sa kanya.
Mabait siya pero istrikto.

2. Pangatnig na nag-uugnay sa di-magkatimbang na yunit.
(kung, kapag, pag)

Halimbawa:
Iboboto ko siya kung wala nang ibang tatakbo na kasintalino niya.

(dahil sa, sapagkat, palibhasa) - nagpapakilala ng sanhi o dahilan

Halimbawa:
Maraming isyung naglalabasan kaugnay sa ilang politiko, palibhasa malapit na naman ang eleksyon.

(kaya, kung gayon, sana) - pangatnig na panlinaw

Halimbawa:
Wala raw siyang kasalanan kaya humarap pa rin siya sa media.

-            - Ang mga Pangatnig ay mahalaga. Sa pamamagitan ng mga ito, mas madali tayong nagkakaintindihan at napapadali ang ating pagkikipag-komunikasyon. Hindi man natin napapansin na nagagagamit natin ito sa ating araw-araw na pamumuhay, ang mahalaga ay malaki ang ginagampanang tungkulin nito sa ating buhay.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento