Ang mga hayop ay hindi lamang mga
nilikhang gumagala sa kapatagan at kabundukan. Ang mga ito ay may simbolong
ugnayan sa bansa at sa mga mamamayan nito. Sa Korea, mahalaga ang ginampanan ng
mga hayop sa kanilang mitolohiya at kuwentong bayan.
Ayon sa kanilang paniniwala, noong
unang panahon daw ay may isang tigre at oso na nagnais maging tao. Nang bumaba
sa lupa ang kanilang diyos na si Hwanin ( diyos ng kalangitan) ay humiling ang
isang tigre at isang oso na maging tao. Ang sabi ni Hwanin ay magkulong sa
kuweba ang dalawa sa loob ng 100 araw. Dahil sa marubdob na pagnanasang maging
tao ay sumunod sa ipinag-uutos ang dalawa. Pagkalipas lamang ng ilang araw ay
agad ding lumabas ang tigre subalit nanatili sa loob ng kuweba ang oso.
Pagkalipas ng 100 araw ay may isang napakagandang babae ang lumabas ng kuweba.
Ang babae ay natuwa sa kaniyang itsura at kinausap muli si Hwanin .
Nagpasalamat siya sa diyos at muling humiling na sana ay magkaroon siya ng
anak. Pinababa sa lupa ng diyos ang kaniyang anak na si Hwanung ( anak ng diyos
ng kalangitan) at ipinakasal sa babae. Sila’y nagkaanak at pinangalanang
Dangun. Si Dangun ay naging hari. Pinaniniwalaang dito nagsimula ang
pagkakaroon ng simbolong hayop ang iba’t ibang dynasty sa Korea.
Ayon sa kanilang paniniwala, noong unang panahon daw ay may isang tigre at oso na nagnais maging tao. Nang bumaba sa lupa ang kanilang diyos na si Hwanin ( diyos ng kalangitan) ay humiling ang isang tigre at isang oso na maging tao. Ang sabi ni Hwanin ay magkulong sa kuweba ang dalawa sa loob ng 100 araw. Dahil sa marubdob na pagnanasang maging tao ay sumunod sa ipinag-uutos ang dalawa. Pagkalipas lamang ng ilang araw ay agad ding lumabas ang tigre subalit nanatili sa loob ng kuweba ang oso. Pagkalipas ng 100 araw ay may isang napakagandang babae ang lumabas ng kuweba. Ang babae ay natuwa sa kaniyang itsura at kinausap muli si Hwanin . Nagpasalamat siya sa diyos at muling humiling na sana ay magkaroon siya ng anak. Pinababa sa lupa ng diyos ang kaniyang anak na si Hwanung ( anak ng diyos ng kalangitan) at ipinakasal sa babae. Sila’y nagkaanak at pinangalanang Dangun. Si Dangun ay naging hari. Pinaniniwalaang dito nagsimula ang pagkakaroon ng simbolong hayop ang iba’t ibang dynasty sa Korea.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento