Miyerkules, Setyembre 24, 2014

Paksa: Ponemang Suprasegmental

Ponema: pinakamaliit na unit ng makabuluhang tunog.

1.                  Haba
-       Ito ay ang pagbigkas nang mahaba sa patinig (a,e,i,o,u) ng bawat pantig.
    Halimbawa:
         BU.kas = nangangahulugang sa susunod na araw
          Bu.Kas = hindi sarado
2.                Diin
-       Tumutukoy ito sa lakas ng pagbigkas sa isang pantig ng salitang binibigkas.
     Halimbawa:
          BU:hay = kapalaran ng tao
          Bu:HAY = humihinga pa
3.                Tono
-       Nagpapalinaw ng mensahe o intensyong nais ipahatig sa kausap.
     Halimbawa:
           Kahapon = pag-aalinlangan (213)
           Kahapon = pagpapatibay (231)
4.               Hinto
-       Ito ay ang saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensahe.
      Halimbawa:
             Hindi, siya ang kababata ko.
             Hindi siya, ang kababata ko.

             Hindi siya ang kababata ko.

     -         Sinasabi man na ang Ponema ang pinakamaliit na unit ng makabuluhang tunog, malaki naman ang ginagampanang tungkulin nito hindi lang  sa Panitikang Pilipino, kundi pati na rin sa atin. Dahil sa pamamagitan nito ay nalalaman natin ang mga mga mensahe na gustong iparating sa atin  ng ating kausap at kung anong emosyon ang nakapaloob dito.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento