- Ginagamit ang Pandiwang Panaganong Paturol upang malaman ang aspekto ng pandiwa. Sabi nga, hindi mo masasabing pandiwa ang isang kilos kung wala itong aspektong nagpapahayag kung kailan ito naganap.Ang lahat ng uri ng pandiwa ay nababanghay para sa aspekto, at ito ay ang :
· Perpektibo- nagsasaad na naganap na ang isang kilos.
Halimbawa:
Kumuha ng pera si Justine sa bangko.
· Imperpektibo- nagsasaad na ang kilos ay kasalukuyang nagaganap o ginagawa.
Halimbawa:
Nagsusulat ang mga mag-aaral habang nagtuturo ang guro.
· Kontemplatibo- nagsasaad na ang kilos ay gagawin pa lamang.
Halimbawa:
Mag-eensayo kami ng sayaw pagkatapos ng klase.
· Katatapos lang- nagsasaad na ng kilos ay katatapos lang.
- nabubuo ito sa pagsasama ng panlaping ka+ pag-uulit ng unang panting ng salitang –ugat+salitang –ugat.
Halimbawa:
Kaiinom ko lang ng gamot.
- Mahalaga ang paggamit ng Pandiwang Panaganong Paturol, ito ay dahil sa nalalaman natin kung kailan naganap ang kilos sa isang pangugusap. Hindi man natin napapansin na kung minsa’y nagagamit natin ito, hindi naman natin maitatangi na mahalaga ang papel na ginagampanan nito s Panitikang Pilipino.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento