Dalawang Gamit Nito
1.
Bilang
malapandiwa o salitang kahawig ng pandiwa sa mga pangungusap na walang
totoong pandiwa.
Hal. Gusto ko ang damit mo.
Hangad ko
ang iyong tahumpay.
Tandaan: Walang totoong pandiwa ang mga
pangungusap na ito. Ang mga modal na gusto, hangad at kailangan ang nagpapahiwatig ng pandiwa.
2.
Bilang
panuring o pantulong sa pandiwa na may anyong pawatas.
Hal. Gusto niyang makaalis sa
hukay.
Ibig ng kuneho na magbigay ng makatarungang desisyon.
Mga Uri ng Modal
1.
Nagsasaad ng kagustuhan (pagnanasa, paghahangad, pagkagusto ng
higit kaysa iba)
a. “Gusto kong
maakyat ang bunganga ng hukay,” wika ng tigre.
b. “Ibig mong
maialis kita diyan sa malalim na hukay,” sigaw ng lalaki sa tigre.
2. Nagsasaad ng kakayahan o
posibilidad
a. Puwede silang
dumating mamaya.
b. Maaari mo itong
tapusin mamayang gabi.
3. Nagsasaad ng
obligasyon (sapilitang pagtupad, hinihingin mangyari)
a. Dapat sundin ang
Saligang-Batas.
b. Kailangan mag-aral
kang mabuti.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento