1. Pumili ng moral o mahalagang
kaisipan
Ang layunin ng pabula ay upang maghatid ng
aral o mahahalagang kaisipan o mensahe sa mga mambabasa lalong-lalo na sa mga
kabataan upang hindi sila maligaw ng landas.
2. Lumikha ng tauhan
Bagamat hayop ang tauhan ng pabula
mahalagang ang mga ito ay maging kapani-paniwala o makatotohanan. Ilarawan ang
katauhan ayon sa pisikal na anyo, katangian/kahinaan, hilig at mga mithiin.
3. Iaayos ang banghay
Mahalagang maging maayos ang
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari upang mailahad kung paano nagsimula ang
suliranin o tunggalian sa pagitan ng mga tauhan at kung paano ito nilutas ng
mga tauhan patungo sa wakas.
4. Ilahad ang naging wakas
Ilahad ang naging wakas ng pabula sa
paraang hindi bigla. Magbigay ng mga pahiwatig sa magiging wakas ng pabula sa
pamamagitan ng paglalahad ng kakalasan ng suliranin at pagkatapos ay ipakita
kung paano nabigyang solusyon ang naging suliranin ng mga tauhan.
this is so helpful.. thanks a lot...,
TumugonBurahinthis is so helpful.. thanks a lot...,
TumugonBurahinSalamat dito dahil nagawa ko assignment ko😇😇
TumugonBurahin