Biyernes, Marso 20, 2015

Ano ang iyong masasabi sa iyong guro?



“Ang Guro Naming Istrikta”

“Oi! Nandiyan na si Maam, ayos na!”
Ayos ng mga upuan, ayos ng sarili, tago ng mga gamit sa ibabaw ng lamesa at Voila! Balik na sa normal ang lahat na parang walang nangyari.
Ganito ang sistema namin araw-araw. Tuwing naririnig namin ang yabag ng aming guro ay dali-dali kaming babalik sa aming mga normal na pwesto at mananahimik. Takot at minsang kinakabahan kami sa kanya. Ito ay dahil sa sobra niyang istrikta at minsan ay masama ang “awra”. Kapag nagbigay siya ng takdang-aralin o proyekto ay agad din naming gagawin. Kapag may Pangkatang Gawain naman ay sinisigurado naming may mga gawa kami. Sa kanyang klase ay sobrang nakikinig kami at nakikisali sa diskusyon.  Lahat din ay nakaka “relate” sa kanyang mga tinuturo kaya’t labis naming gusto ang kanyang paraan ng pagtuturo.
Sobra siyang istrikta sa aming pananalita. Ipinagbabawal niya ang pagsasalita ng anumang “English Word” sa kanyang klase. Mahigpit din siya pagdating sa pagbibigay ng petsa sa pasahan ng mga proyekto. Kailangang makapasa ka sa takdang-oras na ibinigay niya, dahil, kung hindi ay hindi na niya ito tatanggapin.
Pero, sa likod ng kanyang pagiging istrikta ay ang kanyang pagiging masayahin, mapagbiro at magandang guro. Nakikisakay siya sa mga “trip” namin sa klase at patawang ginagawa sa mga presentasyon. Nagbibiro rin siya sa aming klase at sa ilan kong kamag-aral at nagbibitaw ng kung anu-anong “jokes”. At ang isang bagay na nagustuhan ko sa kanya ay ang poagbibigay payo niya sa akin tungkol sa Pag-ibig. Diba po Ma’am? #Destiny! Hahaha! Pero, seryoso magaling talaga siyang magbigay payo sa kanyang mga estyudyante.
Napakaswerte nga namin kung tutuusin, dahil sa siya ang naging guro namin sa Filipino at ina sa Umalohokan. Maraming aral at payo kaming natutunan mula sa kanya. Hindi rin siya tulad ng ibang guro na hindi marunong ngumiti. Masaya akong naging guro ko siya dahil hindi naging “boring” ang taon ko kasama siya. Kaya’t Maraming Salamat Po Gng. Marvilyn Mixto! Hanggang sa susunod pang pagsasama! Mabuhay! J

2 komento:

  1. At talagang nabanggit ang pangalan ko. Salamat. 😊

    TumugonBurahin
  2. Nalala ko din yung naging guro ko sa Filipino 3 na si Mr.R.Nieva nang CSNHS ganyang-ganyan din sya sa blog mo hahaha lahat kame ng mga clasmate ko takot dun.Pero lahat kme mag aagree na napakagaling nyang guro at mahusay mag turo.Sakit.info

    TumugonBurahin