“Maganda
nga ang hangarin, ngunit marami ang kakulangan”
Mapaganda
at maayos ang uri at sistema ng edukasyon sa ating bansa, ito ang layunin ng
bagong kurikulum na ipinapatupad sa loob ng bansa, ang K-12 O Kinder to Grade
12. Sa loob ng kurikulum na ito, ay dinadagan ng dalawang taon pa sa Hayskul
ang pag-aaral ng isang estudyante. Ang dating apat na taon ay naging anim na
taon. Ang karagdagang dalawang taon na ito ay tinawag na “Senior High School”.
Sa loob ng 2 taon, matutunan ng mga
mag-aaral ang iba’t-ibang kursong nais nilang kunin sa Kolehiyo. Para naman sa mga mag-aaral na wala pa sa
Senior High School pero nasa ilalim ng K-12 ay matututo ng iba pang mga bagay
na wala sa dating kurikulum. Ang paraan din ng pagbibigay grado ay naiba na.
Ito na ngayon ay nahati sa apat: Knowledge, Process, Understanding at Product.
Maganda man ang hangarin ng programa ay hindi pa rin naman maitatago ang
katotohanang marami pang pagkukulang sa bawat paaralan sa pagpapatupad nito.
Hindi pa tayo handa para rito.
Una, ay ang kakulangan sa mga
silid-aralan. Dahil dadami na nang dadami ang mga mag-aaral na papasok sa
eskwela ay kailangan na rin ng marami at sapat na mga silid-aralan para sa
kanila. Ngunit, sa napapansin natin ay mabagal pa rin ang pagkilos ng paaralan
sa problemang ito.
Pangalawa, ay ang kakulangan sa mga
magagaling na guro. Dahil sa mababa at di sapat na sahod ng mga guro dito sa
Pilipinas ay humahanap sila ng trabaho sa ibang bansa, kaya’t nagkakaroon tayo
ng mga kulang na guro rito.
Isa pa sa mga problemang may
kaugnayan sa K-12 ay ang kakulangan ng kagamitan ng guro at kagamitan din ng
paaralan. Dahil sa mga kulang na kagamitang ito ay maaaring mapabagal ang
proseso ng karunungan ng mga mag-aaral at maaaring hindi rin nila maintindihan
ang kanilang mga aralin.
Alam nating lahat na napakaganda ng
layunin ng K-12. Ngunit, hindi naman sapat ang anumang meron tayo ngayon sa
pagpapatupad nito. Siguro ay mas mabuting gumawa muna ng solusyon ang
pamahalaan sa mga problemang ito bago gumawa ng hakbang. Mas mabuting gumawa ng
isang programa kung walang problema, dahil mas maganda ang magiging resulta.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento