Pebrero 24-27:
Tatlong araw lang sa linggong ito ang klase namin sa Filipino. Itp ay dahil sa walang pasok noong Miyerkules (Peb 25) sapagkat "People Power Revolution Anniversary". Pero, dalawa sa tatlong arawa na ito ay wala kami dahil sa pangangampanya sa "SSG Election 2015".
Nabasa ko sa blog ng aking kaklase na si Ate Camille Vivar na ipinagpatuloy nila ang pagsagot sa katanungang "Biktima nga ba ng pagkakatao si Crisostomo Ibarra?". Para sa akin ay biktima lang sya ng pagkakataon. Dahil nagkataon lang na anak siya ng taong kinagagalitan at kinaiingitan ni Padre Damaso na si Don Rafael. Ito ang dahilan kung bakit labis na hirap at pasakit ang dala sa kanya ng kura. Ngunit, kung hindi sya anak ni Don Rafael ay hindi naman sya sasaktan at papahirap nito. Nalaman ko rin sa kanyang blog na nagkaroon sila ng "Mock Trial" kung saan ay kinakailangan nilang litisin si Ibarra at Elias. Ito ay umikot sa paksang tama ba ang ginawang pagtakas ni Ibarra at Elias gayong may mga bagay pa silang dapat harapin. Balita ko'y naging maganda at nakakaaliw ang naging resulta nito. Nagkaroon din kami ng katamtamang pagsusulit aa linggong ito. Dito ay sinubok muli kami ni Gng. Mixto kung may natutunan talaga kami sa ilang linggong pag-uulat sa buhay ni Ibarra. Sinulat namin dito ang lahat ng tungkol sa buhay pag-ibig at hangarin ni Ibarra. Ito lang ang mga bagay na ginawa namin sa linggong ito. Sa susunod na mga araw ay buhay naman ni Elias ang ang tatalakayin at kaugnayan nito ay nagkaroon kami ng takdang aralin. ! :) ?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento