Marso 10-14,
2015:
Magandang Buhay!
Maraming
nangyari sa klase namin sa linggong ito. Una, noong Lunes (Marso 9) at Martes
(Marso 10) ay ang aming “Prelims”. Ito ay isinagawa sa lahat ng unang pangkat
sa iba’t-ibang baitang at taon. Kinabukasan, ay ang pagsasagawa namin ng
correct response. Binalikan din namin ang mga pangyayari sa buhay ni Maria
Clara at Sisa at sinagot ang mga tanong na may kinalaman sa kanila. Nagbigay
din ng Pangkatang Gawain ang aming guro na may kaugnayang muli sa buhay ni Maria Clara. Ito ay may
kinalaman sa kanya bilang tao, mangingibig at sa mga desisyong ginawa niya sa
nobela. Bawat grupo ay may kahanga-hangang presentasyon. Ang aming pangkat ay
nagsagawa ng isang debate samantalang dula-dulaan naman ang sa ibang grupo.
Nang sumunod na araw ay nagkaroong muli kami ng Pangkatang Gawain na may
kaugnayan naman sa “Tunay na Pag-ibig”. Bawat grupo ay naatasang iulat ito sa
iba’t-ibang paraan. Mayroong sa pamamagitan ng poster, awit, tula, at islogan.
Naging katuwa-tuwa rin ang produkto ng bawat pangkat. Dahil dito ay naatasan
kaming kunan ng litrato ang aming presentasyon at i-post sa kanya-kanyang blog.
Nagkaroon din kami ng takdang aralin para sa linggong ito. Ito ay ang paggawa
ng isang maikling kwento tungkol sa kalakasan ni Maria Clara. Isusulat namin ito
sa bondpaper, kukunan ng litrato at ipopost sa blog hanggang linggong ng gabi.
Ito
ang mga ginawa namin sa linggong ito.
Maraming Salamat! Hanggang sa muli !
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento